Mapalad na walang ibang motoristang nadamay sa pagbangga ng isang forward truck na may kargang tubo sa isang concrete wall sa Barangay Guibang, Gamu, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Louie Jay Felipe ang hepe ng Gamu Police Station sinabi niya na binabaybay ng forward ntruck na kargado ng tubo mula Lunsod ng Ilagan ang pambansang lansangan at ng makarating sa Barangay Guibang, Gamu, Isabela ay nagkaroon ng mechanical problem ang truck.
Dahil dito ay bumangga ang truck sa isang pader ng isang bahay sa naturang Barangay.
Aniya wala namang nasaktan sa insidente at agad na nag kaayos din naman ang may-ari ng bahay at driver ng truck dahil sa aksidente kung saan sasagutin ng tsuper ang kabuuang pinsala ng nasirang pader.
Wala ring tinamong anumang injury ang driver ng forward truck.
Nag paalala ang PNP sa mga driver ng truck na tiyaking nasa kondisyon ang kanilang sasakyan bago mag biyahe gayundin na mga motoristang nag mamaneho ng motorsiklo na tiyaking kumpleto ang kanilang safety gear bago bumaybay sa kalsada.
The post Forward truck na may kargang tubo bumangga sa pader appeared first on Bombo Radyo Cauayan.