Misis at kalaguyo huli sa akto sa isang inn sa Valentine’s Day

- Advertisement -

Sa halip na matamis na selebrasyon ng Araw ng mga Puso, nauwi sa eskandalo at kulungan ang isang lihim na pagtatagpo ng isang babae at kanyang kalaguyo matapos silang mahuli mismo sa akto ng nagngangalit na mister.

Ayon sa ulat mula sa Police Station 2, isang 22-anyos na ginang na si alyas “Lyn” mula sa Cotabato City at ang kanyang 18-anyos na kalaguyo na si alyas “Jun” mula sa South Upi ay nagkita sa isang kilalang inn sa lungsod para sa kanilang bawal na relasyon.

- Advertisement -

Ngunit ang kanilang matamis na pagtatagpo ay nauwi sa bangungot nang biglang sumulpot ang mister ni Lyn.
Nagtaka umano ang asawa kung bakit hindi pa umuuwi ang misis, kaya’t nagdesisyon siyang sundan ito.

At doon niya mismo naabutan ang kanyang misis at ang binatilyong kalaguyo nito—kapwa wala nang saplot.

Sa matinding galit, agad niyang pinagbubugbog ang lalaking kasama ng kanyang asawa bago dalhin ang dalawa sa himpilan ng pulisya.

Dagdag pa sa eskandalo, nadiskubre rin na kasama ng ginang ang kanyang anak sa inn, na pinatulog muna niya sa kabilang silid bago gawin ang kanilang bawal na pag-iibigan!

- Advertisement -

Ngayon, ang dapat sana’y isang maalab na Valentine’s date ay nauwi sa kulungan.

Kasong adultery ang isasampa ng mister laban sa dalawa.

The post Misis at kalaguyo huli sa akto sa isang inn sa Valentine’s Day appeared first on Bombo Radyo Cauayan.

- Advertisement -

Latest

Pacquiao Links Teen Pregnancy to ‘Sexual Immorality,’ Urges Fear of God

MANILA, Philippines — Senate candidate Manny Pacquiao has attributed...

Philippines Removed from Global Dirty Money Watchlist

MANILA, Philippines — The Financial Action Task Force (FATF)...

BINI, TJ Monterde, top OPM artists shine at The Official Philippines Chart Launch

The launch marks a major milestone for OPM.

Businessman Shot Dead by Riding-in-Tandem Gunmen in Koronadal

Authorities are investigating the fatal shooting of a businessman...

Doc Willie Ong Officially Withdraws from 2025 Senate Race

MANILA – Senatorial candidate Doc Willie Ong has formally...

Newsletter

Alex Calleja Accepts Public Apology from Chito Francisco Over Joke Theft Accusation

Alex Calleja accepted the public apology of fellow comedy writer Chito Francisco following accusations of joke theft that sparked online discussions. On Saturday, February 15,...

OCD Plans New Warning System for Shear Line, Weather Disturbances

The Office of Civil Defense (OCD) is studying the development of a warning system for shear line events and other weather disturbances. OCD Administrator Undersecretary...

Rep. Adiong Seeks NBI Probe into Duterte’s Kill Threat Against Senators

NBI probe into Duterte’s kill threat against senators has been requested by Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong following the former president’s controversial...