Nanawagan ang Toll Regulatory Board (TRB) sa mga motorista na gumagamit ng toll expressway na dapat ay nakabitan na ng Electronic Toll Collection or Radio Frequency Identification (RFID) stickers ang kanilang sasakyan ng hanggang Marso 15.
Sinabi ni Julius Corpuz, ang tagapagasalita ng TRB, na ito ang deadline na kanilang itinakda sa paglalagay ng mga stickers.
Mahigpit kasi na ipapatupad na ang cashless/ contactless payments sa mga lahat ng expressway na sakop ng TRB.
Lahat aniya ng mga toll operators ay naglagay na ng mga installations at loading services sa loob at labas ng mga expressway.
Pinaalala din nito sa mga motorista na libre ang paglalagay at walang anumang maintaining balance.
Base sa kanilang pagtaya na 97 percent na mga motorista na dumadaan sa expressway ay mayroon ng ETC.
The post TRB nagpaalala sa mga motorista sa paglalagay ng RFID appeared first on %%https://bomboradyo.com%%.