Nakuhaan ng James Webb Space Telescope sa 48-oras na obserbasyon ang detalyadong aktibidad na naganap sa paligid ng malaking black hole sa gitna ng milky way galaxy, ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA).
Natukoy na ang aktibidad ay isang magulong mga kaganapan at pinangalanan ng mga sayentipiko bilang Sagittarius A (Sgr A), ang malaking gravitational pull kasi ng black hole ay humihila ng mga materyal mula sa paligid nito na siya namang nagdudulot umano ng patuloy na pag-flicker sanhi ng malalakas na liwanag at may paminsang malalakas na flare.
Sinimulan ng NASA na maglunsad ng datos sa naturang supermassive black hole noong taong 2021 at nagsimulang mangolekta ng mga datos nito noong 2022 gamit ang Webb Telescope.
Ang mga kakayahan na ito ay nagbigay daan upang makita ng mga astronomy ang mga natatanging pattern ng aktibidad sa lugar katulad ng patuloy na pag flicker sa accretion disk ng black hole na isang umiikot na singsing na gas na makikita sa paligid ng black hole.
Bukod sa patuloy na flickering napansin din ng mga mananaliksik ang paminsanang malalakas na flare o isa hanggang tatlong malalaking mga pagsabog sa kada 24-oras at sinasabayan naman ng maliliit na pagsabog.
‘The accretion disk is a very chaotic region filled with turbulence, and the gas gets even more chaotic and compressed as it approaches the black hole, under extreme gravity,’ pahayag ni Farhad Yusef-Zadeh, isang astrophysicist mula sa Northwestern University, Illinois.
Bagamat ang pagsabog na ito ay may pagkakahalintulad sa mga solar flare na naglalabas ng mainit na mga charged particles mula sa ating araw.
Samantala ang Sgr A ay may 4 milyong beses na mass kesa sa ating araw at may layong 26,000 light years mula sa Earth.
Ang light year ay isang distance light travels equivalent sa kada taon o mahigit 9.5 trillion km ang layo ng black hole sa ating mundo.
Samakatuwid ang mga galaxies ay mayroong malalaking black hole na matatagpuan sa mga core nito. Sa kabilang banda sinabi pa ng mga mananaliksik na bagamat may mga nakitaang mga aktibidad ay hindi naman umano ito active hindi katulad ng ibang mga galaxy sa ating universe kahit pa na may pagkakatulad ang mga blackhole.
The post Naobserbahang aktibidad sa paligid ng malaking black hole, nakuhaan ng Webb telescope —NASA appeared first on %%https://bomboradyo.com%%.