Nananawagan si Agri Partylist Rep. Manoy Wilbert Lee na para maging epektibo ang implementasyon ng food security emergency dapat ipatupad lamang ito sa loob ng tatlong buwan at unahin ang pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka upang mapunan ang buffer stock ng National Food Authority (NFA), na inilabas kasunod ng deklarasyon ng gobyerno ng food security emergency.
Batay Department Circular No. 3 ng Department of Agriculture, mananatiling may bisa ang food security emergency “hanggang sa alisin o bawiin” ito ng Agriculture Secretary.
Habang sinusuportahan ni Lee ang deklarasyon ng pambansang emergency sa pagkain upang matugunan ang tumataas na presyo ng bigas sa merkado, sinabi niya na ang naturang panukala ay panandaliang solusyon lamang.
Ayon sa Kongresista, maganda ang layunin ng food security emergency para mapababa ang presyo ng bigas sa merkadom pero dapat mailatag ang malinaw na timeline kung paano matutulungan ang mga lokal na magsasaka.
Dagdag pa ni Lee, mandato ng NFA na bigyang prayoridad ang mga lokal na magsasaka.
Aniya, kawawa ang mga locak rice farmers kung mas i-aasa sa importasyon ang pag-replenish sa mga stock ng bigas.
Pagbibigay-diin ni Lee na dapat bilhin ng gobyerno ang palay ng mga lokal na magsasaka sa presyong tiyak ang kanilang kita at para ma-engganyo ang mga ito na taasan pa ang produksiyon ng sa gayon mapababa pa ang presyo ng bigas sa merkado.
Si Lee ang principal author ng Republic Act No. 12022 or the “Anti-Agricultural Economic Sabotage Act” na nagpapataw ng mabigat na parusa sa mga indibidwal o entities na sangkot sa illegal activities sa sektor ng agrikultura gaya ng large-scale smuggling, hoarding, at price manipulation.
Ayon sa Partylist solon dapat magkaisa ang DA at NFA sa pag monitor sa mga lokal na magsasaka para epektibong tugunanang mga pangangailangan ng mga local farmers.
Binigyang-diin ng Kongresista na bukod sa suporta sa post-harvest facilities, gaya ng mga cold storages, dryers, rice mills, dapat din aniya paramihin at gawin nang permanente ang mga Kadiwa stores nationwide na malaking tulong sa mga local food producers at consumers.
The post Food emergency security dapat tatagal lang ng 3 buwan; Local famers bigyang prayoridad sa buffer rice stock – solon appeared first on %%https://bomboradyo.com%%.