Nasawi ang isang estudyante matapos na masalpok ng isang SUV habang lulan ng motorsiklo sa Barangay Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.
Ang nasawing estudyante ay 17-anyos na residente ng Brgy. Sta Isabel Norte, City of Ilagan, Isabela habang ang driver ng nakabnggan nitong SUV ay si Pat. Franklyn John Laciste, 27-anyos, nakatalaga sa Camp Crame, Intelligence Group at residente ng P6, Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.
Batay sa pagsisiyasat ng CIty of Ilagan Police Station lumalabas na binabagtas ng SUV na minamaneho ni Pat. Franklyn John Laciste ang pambansang lansangan habang nasa kasalungat na linya naman ang motorsiklong minamaneho ng biktima.
Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nawalan ng kontrol sa manibela si Pat. Laciste sanhi para mapunta ito sa linya ng motorsiklo at bumangga.
Dahil sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang driver ng motorsiklo na agad dinala sa Isabela Doctors General Hospital (IDGH) ng mga rumespondeng kasapi ng rescue DART 831bago idineklarang dead on arrivan ng attending physician.
Sa ngayon ang pulis ay nasa kostodiya ng PNP para sa mas malalim na imbestigasyon at tamang disposisyon.
The post Estudyante nasawi sa salpukan ng SUV at motorsiklo appeared first on Bombo Radyo Cauayan.