Mahigit 400 areas of concern, binabantayan na rin ng AFP

- Advertisement -

Binabantayan na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mahigit 400 lugar sa buong bansa na unang tinukoy ng Commission on Elections bilang mga ‘areas of concern’.

Ayon kay AFP Spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla, nagsimula nang tumulong ang mga sundalong nasa ground sa mga local police na pangunahing nagbabantay sa bawat lugar.

- Advertisement -

Mayroon aniyang 18,000 sundalo ang handang umalalay sa Pulisya at Comelec para matiyak ang maayos at ligtas na halalan sa Mayo.

Nakahanda rin ang AFP na magdagdag ng pwersa sa ilang mga lugar na mangangailangan pa ng karagdagang security forces dahil sa matitinding tunggalian o awayan sa pulitika.

Batay sa datus na inilabas ng Comelec, aabot sa 49 na lugar mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nasa ilalim ngayon sa yellow category.

Mayroon ding 53 lugar mula sa Region 8,9,10,12, CAR at CARAGA ang nasa orange category.

- Advertisement -

Sa ilalim ng red category, mayroong 38 na lugar na binabantayan dito mula sa Region 2,5,6,8 at BARMM.

Ilan sa naging basehan ng Comelec sa ginawang deklarasyon ay ang kasaysayan ng karahasan sa mga nakalipas na halalan, tumitinding away sa pagitan ng mga magkakalabang kandidato, atbpa.

The post Mahigit 400 areas of concern, binabantayan na rin ng AFP appeared first on %%https://bomboradyo.com%%.

- Advertisement -

Latest

Pacquiao Links Teen Pregnancy to ‘Sexual Immorality,’ Urges Fear of God

MANILA, Philippines — Senate candidate Manny Pacquiao has attributed...

Philippines Removed from Global Dirty Money Watchlist

MANILA, Philippines — The Financial Action Task Force (FATF)...

BINI, TJ Monterde, top OPM artists shine at The Official Philippines Chart Launch

The launch marks a major milestone for OPM.

Businessman Shot Dead by Riding-in-Tandem Gunmen in Koronadal

Authorities are investigating the fatal shooting of a businessman...

Doc Willie Ong Officially Withdraws from 2025 Senate Race

MANILA – Senatorial candidate Doc Willie Ong has formally...

Newsletter

Ex-Gov. Henry Teves Linked to Degamo Assassination Case

Ex-Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves has been named in a new complaint filed by the Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG)...

Facebook Live Videos Will Now Expire After 30 Days

Facebook has announced that live videos published on its platform will now only remain available for one month before being automatically deleted. "Beginning on February...

Bagong programa , nakatakdang ilunsad ng DSWD bukas

Panibagong programa nanaman ang nakatakdang ilunsad ng Department of Social Welfare and Development bukas Pebrero 21, 2025. Ito ay tatawaging “Apo Ko: Kwento ni Lolo’t...