VP Sara Duterte, naghain na rin ng petisyon sa SC para harangin ang impeachment ng Kongreso

- Advertisement -

Naghain na rin ng hiwalay na Petition for Certiorari and Prohibition sa Supreme Court si VP Sara Duterte kaugnay ng impeachment case na inihain sa kaniya ng Kamara.

Isinumite ito ng kampo ng bise presidente sa pamamagitan ng Fortun Narvasa and Salazar law offices.

- Advertisement -

Nabatid na natanggap na ito ng korte ngunit hindi na naihabol sa kanilang en banc session kahapon.

Bukod pa kasi ito sa petisyon ng apat na Mindanawon lawyers para harangin ang impeachment proceedings laban sa pangalawang pangulo.

Hiniling din kasi ng mga abogado na sina Atty. Israelito Torreon, Atty. Martin Delgra, Atty. James Reserva, Atty. Hillary Olga Reserva, at Atty. Luna Acosta—na magpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) at Injunction para ipawalang-bisa ang impeachment complaint.

Kasama rin sa mga nagpetisyon ang Bise Alkalde ng Davao City, ilang miyembro ng konseho ng lungsod, at mga kilalang political vloggers na sina Darwin Salcedo, Lord Byron Cristobal, at Lord Oliver Raymund Cristobal.

- Advertisement -

Ayon sa kanila, depektibo at hindi dapat dinggin ng Senado ang impeachment complaint na inihain ng Kamara.

Kwestiyonable umano ang verification process ng impeachment complaint.

Giit ng mga petitioner, hindi pinag-aralang mabuti ng mga lumagda sa reklamo ang nilalaman nito, at biglaan lamang isinama sa usapin ng impeachment.

Pero depensa ng Kamara, moot and academic na ito dahil nasa Senado na ang reklamo at hindi na ang korte ang may hurisdiksyon dito.

- Advertisement -

The post VP Sara Duterte, naghain na rin ng petisyon sa SC para harangin ang impeachment ng Kongreso appeared first on %%https://bomboradyo.com%%.

- Advertisement -

Latest

Pacquiao Links Teen Pregnancy to ‘Sexual Immorality,’ Urges Fear of God

MANILA, Philippines — Senate candidate Manny Pacquiao has attributed...

Philippines Removed from Global Dirty Money Watchlist

MANILA, Philippines — The Financial Action Task Force (FATF)...

BINI, TJ Monterde, top OPM artists shine at The Official Philippines Chart Launch

The launch marks a major milestone for OPM.

Businessman Shot Dead by Riding-in-Tandem Gunmen in Koronadal

Authorities are investigating the fatal shooting of a businessman...

Doc Willie Ong Officially Withdraws from 2025 Senate Race

MANILA – Senatorial candidate Doc Willie Ong has formally...

Newsletter

Family of Five Killed in Misamis Oriental Road Crash

Misamis Oriental road crash claimed the lives of a family of five after their motorcycle collided with a truck and a sedan in Initao,...

Cotabato City Mall Shooting: Engineer Killed, Laborer Injured

An engineer was killed while a laborer was injured in a shooting at the under-construction KCC Mall of Cotabato on Tuesday afternoon, police confirmed. PLT....

PCG, matagumpay na kinompronta ang CCG vessel sa dalampasigan ng Zambales sa kabila ng masamang panahon

Matagumpay na napaalis ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 134-meter China Coast Guard vessel 5303 sa kabila ng masungit na panahon at malalaking alon...