Posibleng umabot sa P80 kada litro ang diesel sa susunod na linggo — DOE

- Advertisement -

NAGBABALA ang Department of Energy (DOE) na maaaring pumalo sa P80 kada litro ang presyo ng diesel sa susunod na linggo kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa DOE, posible ang malaking dagdag-presyo kung hindi ipapatupad ng mga oil company ang staggered o paunti-unting price hike, lalo na kung magtatagal pa ang tensyon at sigalot sa Middle East.

- Advertisement -

Sinabi ni Industry Management Bureau Director Rino Abad na wala pang pinal na desisyon ang mga kumpanya ng langis kung paano nila ipatutupad ang nakaambang taas-presyo.

Ipinaliwanag ni Abad na hinihintay pa ng mga oil company, tulad ng DOE, ang kumpletong datos mula sa limang araw na trading ng international oil prices bago maglabas ng pinal na computation at magpasya kung hahatiin ang price increase sa dalawa o tatlong beses na implementasyon.

“Malalaman lang natin sa Sabado dahil ayaw nilang magdesisyon agad kung hindi pa kumpleto ang computation sa limang araw na trading. Doon nila pagdedesisyunan kung hahatiin sa dalawa o tatlong beses ang pagtaas, kung ilang araw o lingguhan ito ipatutupad,” paliwanag ni Abad.

Dagdag pa niya, layunin ng DOE na magkaroon ng matrix o talaan per company at per scheme upang makita kung paano ipatutupad ng bawat oil firm ang kanilang price adjustment, dahil hindi inaasahang pare-pareho ang magiging desisyon ng mga ito.

- Advertisement -

Ayon kay Abad, noong huling sumirit ang presyo ng langis, nagkasundo ang mga kumpanya na ipatupad ang staggered increase matapos tumagal ng isang linggo ang tensyon sa Middle East.

Gayunman, sinabi niyang hindi inaasahang magkakaroon ng iisang scheme ang lahat ng kumpanya ngayon dahil mas malala at mas kumplikado ang kasalukuyang sitwasyon sa rehiyon.

Samantala, naunang tinaya ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maaaring tumagal ng apat hanggang walong linggo ang kasalukuyang sigalot sa Middle East.

Ayon kay DFA Undersecretary Germina Usudan, may impormasyon na nagsisikap ang Estados Unidos na magpadala ng karagdagang mga rocket sa Iran habang may usapin din umano tungkol sa posibleng susunod na lider ng bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -

Latest

NCRPO expects bigger turnout on day 2 of Iglesia ni Cristo rally

QUEZON CITY, Philippines — The National Capital Region Police...

Venezuela earthquake death toll nears 1,500 as search for survivors continues

CARACAS, Venezuela — Rescue teams continued searching for survivors...

OPM band HEY JUNE! honors Smokey Mountain with fresh revival

An OPM classic gets a modern rendition from one of the country's rising bands.

PNP no official arrest order for Sen Marcoleta, will act only on court directive

MANILA, Philippines — The Philippine National Police on Monday...

Day 2 of VP Duterte impeachment pre-trial gets underway

MANILA, Philippines — The second day of the pre-trial...

Newsletter

Venezuela earthquake death toll nears 1,500 as search for survivors continues

CARACAS, Venezuela — Rescue teams continued searching for survivors on Sunday after two powerful earthquakes devastated parts of Venezuela, with the death toll approaching...

NCRPO expects bigger turnout on day 2 of Iglesia ni Cristo rally

QUEZON CITY, Philippines — The National Capital Region Police Office on Wednesday said it expects a larger turnout for the second day of the...

OPM band HEY JUNE! honors Smokey Mountain with fresh revival

An OPM classic gets a modern rendition from one of the country's rising bands.