Panibagong programa nanaman ang nakatakdang ilunsad ng Department of Social Welfare and Development bukas Pebrero 21, 2025.
Ito ay tatawaging “Apo Ko: Kwento ni Lolo’t Lola, Gabay ng Kabataan.”
Layon nito na makapaghatid ng mahalagang koneksyon ng mga bata at matatanda.
Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito ay matitiyak na mapapanatili ang tradisyon ng Pilipino sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman ng mga lolo at lola na nasa kanlungan ngayon ng DSWD centers and residential care facilities.
Kabilang na dito ang pagpapabatid sa mga bata hinggil sa mga natatanging kultura sa mga kakaibang tradisyon ng mga Pilipino.
Kabilang sa programang ito ang mga batang may edad apat na taong gulang at lumahok na sa Early Childhood Development (ECD) sessions.
The post Bagong programa , nakatakdang ilunsad ng DSWD bukas appeared first on %%https://bomboradyo.com%%.