Tatlong weather system, magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw

- Advertisement -

Patuloy na magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang tatlong umiiral na weather system.

Ngayong araw ay asahan na ang maulap na papawirin hanggang sa pagkakaroon ng panaka-nakang pag-ulan at isolated thunderstorms sa bahagi ng Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Caraga, Laguna, Rizal, at lalawigan ng Quezon dahil sa Shearline.

- Advertisement -

Ito ay maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa moderate hanggang heavy na pag-ulan.

Magiging maulap rin ang papawirin sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora epekto ng Northeast Monsoon.

Dito naman sa bahagi ng Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay aasahan rin ngayong araw ang maulap na kalangitan at bahagyang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon bagamat hindi ito magdudulot ng masamang epekto.

Bahagyang maulap na papawirin ang iiral sa nalalabing bahagi ng Mindanao epekto ng easterlies.

- Advertisement -

Pinag-iingat rin ang mga residente mula sa rehiyon sa posibleng insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa.

The post Tatlong weather system, magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw appeared first on %%https://bomboradyo.com%%.

- Advertisement -

Latest

LALALAFEST Manila debut set for August 2026; Steve Lacy, Two Door Cinema Club, Ben&Ben to lead lineup

One of Southeast Asia’s leading music festival is coming to Manila.

ABBA tribute band Björn Again set to visit Manila and Cebu

The world's number one ABBA tribute show is coming to the Philippines.

Moira Dela Torre returns with deluxe edition of ‘I’m Okay’ album

The "hugot" hitmaker is ready to turn the page.

NCRPO expects bigger turnout on day 2 of Iglesia ni Cristo rally

QUEZON CITY, Philippines — The National Capital Region Police...

Venezuela earthquake death toll nears 1,500 as search for survivors continues

CARACAS, Venezuela — Rescue teams continued searching for survivors...

Newsletter