DA , target na masimulan ang bentahan ng rice-for-all sa mga supermarkets pagpasok ng buwan ng Marso

- Advertisement -

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture na target ng kanilang ahensya na masimulan ang bentahan ng rice-for-all sa supermarkets sa bansa pagpasok ng buwan ng Marso ngayong taon.

Ayon kay DA, katuwang nila sa paghahanda ang Department of Trade and Industry para sa pag roll out ng naturang programa.

- Advertisement -

Sa isang pahayag ay sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel , sa ngayon ay walang patid ang kanilang ginagawang koordinasyon sa iba’t ibang mga market chains sa Food Terminal Inc.

Layon ng hakbang na ito ng ahensya na makapag benta ng mura at bot kayang presyo ng bigas sa mga mamimili.

Tinukoy na ng ahensya ang mga malalaking supermarkets o market chain na kanilang magiging katuwang sa pagbebenta ng murang bigas.

Isinasapinal na rin ng ahensya ang mga usapin hinggil sa credit at logistics ng mga bigas.

- Advertisement -

Kung maaalala, pumirma ang DA at isang kilalang grocery store para sa isang MOA na layong mapalakas pa ang mga kadiwa store ng Pangulo.

The post DA , target na masimulan ang bentahan ng rice-for-all sa mga supermarkets pagpasok ng buwan ng Marso appeared first on %%https://bomboradyo.com%%.

- Advertisement -

Latest

LALALAFEST Manila debut set for August 2026; Steve Lacy, Two Door Cinema Club, Ben&Ben to lead lineup

One of Southeast Asia’s leading music festival is coming to Manila.

ABBA tribute band Björn Again set to visit Manila and Cebu

The world's number one ABBA tribute show is coming to the Philippines.

Moira Dela Torre returns with deluxe edition of ‘I’m Okay’ album

The "hugot" hitmaker is ready to turn the page.

NCRPO expects bigger turnout on day 2 of Iglesia ni Cristo rally

QUEZON CITY, Philippines — The National Capital Region Police...

Venezuela earthquake death toll nears 1,500 as search for survivors continues

CARACAS, Venezuela — Rescue teams continued searching for survivors...

Newsletter