![](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2025/02/DMW.jpg)
Ligtas na nakuwi ang 74 iba pang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Lebanon na boluntaryong sumailalim sa repatriation program ng gobyerno.
Kung saan sinalubong ang mga OFW ng mga tauhan ng Department of Migrant Workers (DMW) kasama ang iba pang mga ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Health (DOH) upang mag asiste ng mga agarang tulong alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa tala ng DMW ang huling batch ng mga Filipino repatriates ay nakapagtala ng kabuuang bilang na 1,564 at 65 na dependents na ligtas na nakabalik sa bansa bilang bahagi ng tuloy-tuloy na tulong ng gobyerno na apektado ng Israel-Hamas conflict mula pa noong Oktubre 2023.
Lahat ng OFW ay makakatanggap ng agarang tulong pinansyal, medikal, at airport assistance.
Bukod dito magbibigay rin ng suporta ang National Reintegration Center for OFWs (NRCO) ng DMW para sa mga programang pang-upskilling at sustainable reintegration, kabilang ang tulong pangkabuhayan at training skills para sa mga apektadong OFW.
Binigyang diin ng ahensya na ang mga pagsisikap na ito ay upang matulungan silang magtagumpay para sa kanilang mga pamilya mula sa pagbubuklod sa kani-kanilang mga kuminidad.
The post 74 OFWs mula Lebanon, nakauwi na ng PH appeared first on %%https://bomboradyo.com%%.